DAGUPAN CITY, Pangasinan - Isinailalim sa counseling ang 12 menor de edad na na-rescue sa “Operation Bakaw” ng Dagupan City Police.

Batay sa impormasyon, mismong sina Senior Insp. Maria Theresa R. Meimban, hepe ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) at City Mayor Belen Fernandez ang nanguna sa counseling sa 12 menor de edad.

Matapos hikayatin ang mga bata na ipagpatuloy ang pag-aaral sa halip na gumala sa kalye, nangako ang alkalde na tutulong sa pagpapa-enrol sa mga bata kasabay ng pag-aalok ng trabaho sa mga magulang ng mga ito. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?