Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Meralco vs Talk N Text

7 n.g. -- Rain or Shine vs Star

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

TULUYANG makasikwat ng semifinal slot ang kapwa tatangkain ng Talk N Text at Star Hotshots sa muli nilang pagsalang ngayon sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Kapwa nakauna sa kani-kanilang best-of-3 series, parehas magtatangkang maka-sweep ng dalawang koponan sa pagsabak sa magkahiwalay na kalaban, ang Talk N Text Tropang Testers kontra Meralco at ang Hotshots kontra defending champion Rain or Shine Elasto Painters.

Magtutuos ang Bolts at Texters ganap na 4:15 ng hapon habang muling magtutunggali ang Hotshots at Painters ganap na 7:00 ng gabi.

Nakauna sa kanilang serye ang Texters nang gapiin nito ang Bolts nitong Lunes, 122-84 gayundin ang Hotshots na inilampaso rin ang Painters, 118-82.

Naniniwala si Star coach Chito Victolero na tinugonan lamang ng kanyang mga manlalaro ang ibinigay niyang hamon bilang paghahanda sa kanilang isipan sa pagsabak sa playoffs.

“We have the proper mindset, “ pahayag ni Victolero.

“This is the playoffs and I challenged them to step up their level. “Sa panig ng Texters, inaasahang makakalaro na ng maayos ang import na si Joshua Smith matapos hindi gaanong naibigay ang kanyang tinatawag na A-game noong Lunes dahil sa masamang pakiramdam dulot ng trangkaso. (Marivic Awitan)