SAN JOSE, Tarlac - Dahil sa pakikialam sa kaguluhan, isang binata ang napagbalingang tagain ng kanyang kapitbahay sa Purok 1, Barangay Lubigan sa San Jose, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PO3 Antonio Calo, Jr., nagtamo ng malubhang taga sa kaliwang balikat si Joel Antalan, 29, habang naaresto naman ang suspek ay si Ricky Abalos, 28, binata, kapwa ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Calo, dakong 7:00 ng gabi at nagkakape si Antalan sa loob ng bahay nang marinig ang sigawan sa labas at makitang nakikipag-away ang suspek sa isang Macmac.

Tinangkang umawat ni Antalan subalit siya ang napagbalingang tagain ni Abalos. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog