GAPAN CITY, Nueva Ecija - Isang 38-anyos na kagawad ng barangay ang naaresto ng Drug Enforcement Unit (DEU) team ng Gapan City Police sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Sto. Cristo Norte sa District IV sa lungsod, nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang naaresto na si Benjo Bati De Guzman, alyas “Benjo”, 38, kagawad ng Bgy. Sto. Cristo Norte, na hindi nakapalag nang arestuhin ng mga operatiba makaraang makumpiskahan ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog