KRIS_please crop copy copy

MUKHANG ayaw na munang magpa-stress ni Kris Aquino sa mga nagtatanong kung kailan siya muling mapapanood ng fans niya sa ABS-CBN na sinagot na niyang ayaw na talaga sa kanya.

Nag-post sa Instagram si Kris na kasalukuyan silang nagbabakasyon ng mga anak na sina Bimby at Joshua sa Tokyo, Japan, dahil sayang naman daw ang kanyang #BDO credit card’s Asia Miles points for three tickets na tamang-tama sa kanilang mag-iina. Sumunod daw sa kanila sina @jiggycruz at @jacksalvador, “because I can’t go on the daring amusement park rides at numerous arcades in Tokyo that are part of Kuya’s (and Bimb’s) wish list.

“We’re back on the 8th for my fittings for the Hollywood movie I’m not allowed to talk about – I’m filming my scenes this June 2017. #dreamsdocometrue

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Umalis sina Kris para magbakasyon after ng last night nila sa The Residences @shangrilafort (seven months silang nanirahan doon habang ginagawa ang dream house ng Queen of All Media). Kaya pagbalik nila from Tokyo, Japan, doon na sila uuwi sa new home nila.

So, makikita na natin ang loob ng dream house ni Kris Aquino. And hopefully, mag-post din si Kris ng behind the scenes ng shoot niya sa kanyang Hollywood movie. (NORA CALDERON)