SAN JOSE, Tarlac - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking may epilepsy na nadulas habang naglalakad sa gilid ng Bulsa River sa Barangay Moriones, San Jose, Tarlac hanggang sumpungin ng kanyang sakit at malunod, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Wilfredo Lanuza, Jr. ang biktimang si Henry Mariano, 36, binata, ng Bgy. Villa Aglipay, San Jose, Tarlac.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:30 ng umaga at naglalakad si Mariano sa gilid ng Bulsa River nang aksidenteng madulas at mahulog sa gilid ng ilog, na hanggang tuhod lang ang lalim. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon