Hindi nakalusot ang isang matandang lalaki, na sinasabing humalay sa 7 anyos na babae, sa “Oplan Saliksik” sa San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Statutory Rape at Statutory Object Rape si Roberto Mabunga, 64, ng Sta. Cecilia, Ibayo, Barangay May, sa San Mateo.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, inaresto si Mabunga ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng San Mateo Police Station, sa pangunguna ni PO3 Angelito Andan, sa Bgy. Guitnang Bayan, dakong 6:00 ng gabi.

Sa kasong Statutory Object Rape, nagrekomenda ang hukom ng piyansang P120,000 habang walang piyansang inilaan para sa kasong Statutory Rape.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Nag-ugat ang kaso ni Mabunga matapos umano niyang gahasain ang pitong taong gulang na kapitbahay, na itinago sa pangalang “Nene”, noong Setyembre 2011, dakong 7:00 ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Mateo Municipal Police Station. (MARY ANN SANTIAGO)