manny copy copy

Arum, nasilaw sa $500 M kikitain ni Pacquiao kontra Mcgregor.

KUNG walang panahon si Floyd Mayweather na tugunan ang hamon ni UFC champ Conor McGregor, may alternatibong suhestyon si veteran promoter at matchmaker na si Bob Arum – si Manny Pacquiao.

Sa panayam ng TMZ Sports, sinabi ni Arum, promoter ni Pacman sa Top Rank, na handa umano ang eight-division world champion na labanan ang MMA superstar kung tatanggihan ni Mayweather ang pagkakataom.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang pambihirang fight card ay ipinapalagay na tatabo ng kalahing bilyon o higit pa sa takilya.

Iginiit ni Arum na libre ang panahon ni Pacquiao na nakatakdang idepens ang kanyang World Boxing Association (WBA) title kontra Australian star Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Inaasahang tatabo sa pay-per-view ang duwelo na suportado ng Brisbane Tourism Authority at gaganapin sa pamosong Suncorp Sports Center. Ito ang unang sabak ni Pacman sa Australia na hitik din sa migranteng Pinoy at OFW (Overseas Filipino Workers).

Wala nang makapipigil pa kay McGregor, 28, matapos ang paglagda ang kontrata sa UFC ni Dana White bilang tugon sa mga naunang pahayag ni Mayweather na handa siya sa posibilidad na makaharap ang pinakamalaking bituin sa MMA.

Ngunit, maspasahanggang sa kasalukuyan, wala pang pormal na tugon si Mayweather, dating pound-for-pound king at nagretiro sa boxing na may malinis na 49-0 marka.

“The first, and most important part of this historic contract has now officially been signed off on. Congratulations to all parties involved. We now await [Mayweather’s adviser] Al Haymon and his boxer’s signature in the coming days,” pahayag ni McGregor.

Kung patuloy ang pananahimik ni Mayweather, nagsisimula na mang mag-ingay si Arum na tanyag sa paglikha ng malalaking laban sa boxing.

Nakakontrata si Pacquiao sa Top Rank hanggang 2017.

Wala namang pormal na pahayag si Pacquiao hingil sa naturang pahayag ni Arum. Puspusan na rin ang paghahanda niya, sa pangangasiwa ni Freddie Roach, para sa laban kay Horn.