Ni REGGEE BONOAN

Yassi Pressman
Yassi Pressman
ANG laki ng naitulong ng FPJ’s Ang Probinsyano sa career ni Yassi Pressmanbagamat una na siyang napanood sa Pinoy Big Brother pero hindi naman nagtagal sa loob ng Bahay ni Kuya dahil kinontrata na nga siya ng Dreamscape Entertainment para maging leading lady ni Coco Martin.

Kaliwa’t kanan ang product endorsement ni Yassi simula nang mapanood siya sa Ang Probinsyano kaya nakahabol na siya sa hanay nina Nadine Lustre, Anne Curtis at iba pang sikat na young stars.

Nu’ng nasa GMA-7 pa ang aktres ay hindi naman siya ganito ka in demand, kasi siguro hindi siya masyadong nabibigyan ng mahalagang papel sa mga teleserye ng Kapuso Network.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

At dahil Viva artist ang dalaga, isinama siya sa pelikulang Camp Sawi bilang isa sa mga sawi kasama nina Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Kim Molina at Bela Padilla.

Ngayong bigla nang sumikat at umingay ang pangalan ni Yassi, bibigyan na siya ng launching movie kasama sina Sam Milby, Kim Molina at Alonzo Muhlach under Idea First Company nina Direk Jun Lana at Perci Intalan produced ng Viva Films.

Ang titulo ay Pambansang Thirdwheel na ididirek ni Ivan Payawal na alaga ng Idea First Company.

Ang tarush ni Yassi dahil maglalagare siya sa shooting ng pelikula at seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.