GUMACA, Quezon – Nasawi ang dalawng lalaking magkaangkas sa motorsiklo makaraan silang sumalpok sa van sa Maharlika Highway, Barangay Panikihan sa Gumaca, Quezon, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala sa police report ang mga biktimang sina Armando A. Arandela, 38, driver; at Conrado G. Nullan, 42, obrero, kapwa taga-Bgy. Bamban, Gumaca.

Ayon pa sa mga report, bandang 4:30 ng hapon nang mag-overtake ang Nissan Urvan (OX-5502) na minamaneho ni Richmond Carpio sa isa pang sasakyan na patungong Maynila.

Tinangka ng van na umiwas sa banggaan pero nasalpok pa rin nito ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naaresto si Carpio at kakasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide. (Danny J. Estacio)