agustin copy

HANDA na ang lahat para sa paglulunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) community program KID-S.O.S (Kabataan Iwas Droga-Start on Sports) sa susunod na buwan sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay PSC commissioner at project director Arnold Agustin, naging maayos ang koordinasyon sa pagitan ng ahensiya at ng City government ng Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Lani Mercado-Revilla, para maisakatuparan ang programa na naglalayon na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na sumabak sa sports at mailayo sa iba’t ibang bisyo.

“This program is in line with President Duterte’s Sports for All Program. We choose Bacoor City as starter but we’re closely coordinating with other Local Government Units in Cavite for future sports partnership,” pahayag ni Agustin, residente sa naturang lungsod.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“The PSC believes that sports are vital tool in leading our youth away from vices. It is among our thrust to conduct various program that will engage the Filipino youth in sports activities,” aniya.

“We also extend our deepest gratitude to Mayor Lani Mercado for the support and understanding.”

Nakapaloob sa programa ng KID-S.O.S ang badminton, table tennis at chess para sa Sangguniang Kabataan, habang ang zumba at pencat silat clinics at seminars ay para sa mga barangay official at tanod, gayundin sa mga seniors, mga magulang at sports enthusiats.

Batay sa partnership, ang PSC ang bahala sa technical personnel, coaches at administrative staff, gayundin sa sports supply at equipment, habang ang city administrator ang mamamahala sa coordination ng mga kalahok at sa gagamiting venues.

Ayon kay Agustin, makikiisa siya sa flag-raising program sa Bacoor City Hall sa Lunes para sa pormal na pagarangkada ng programa, gayundin ang maipaliwanag ang kabuuang konsepto ng programa.