sarah john lloyd copy

MAY nabasa kami sa Facebook na deleted na ang lahat ng mga naunang eksenang nakunan kina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa bagong pelikula nila sa Star Cinema. 

Lahat daw ng na-shot from day 1 to day 16 deleted dahil sa spoiler at mga photos at video na ipino-post sa social media.

Back to zero raw ang production dahil na-preempt nga naman ng mga nagpupunta sa shooting, kumukuha ng picture at video at in-upload. Nawawala ang excitement at element of surprise kung nauna nang nakita’t mapanood sa social media.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil uulitin ang shooting, tiyak na mauurong ang playdate ng reunion movie nina John Lloyd at Sarah. Kaya nakiusap na ang ilang taong in charge sa production at pati fans nina John Lloyd at Sarah sa kapwa fans na kung may nakukunan silang picture o video sa shooting, iwasang mag-upload ng picture at kung may nakita silang picture o video, huwag i-share.

Ang maganda niyan, ipagbawal ang tao at pagkuha ng anumang photo o video sa set at dahil hindi talaga naiiwasang may mag-share sa social media. At kung may lumabag pa rin, idemanda. (Nitz Miralles)