TARLAC CITY – Naaresto ng mga operatiba ng Tarlac City Police ang isang 30-anyos na lalaki na matapos holdapin ay hinalay pa ang isang ginang sa Champaca Street sa Barangay San Vicente, Tarlac City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kakasuhan ng panghoholdap at rape si Jobito Catacutan, alyas “Job”, ng Bgy. San Vicente.

Ayon sa report, dakong 12:05 ng umaga at natutulog sa bahay ang 39-anyos na ginang nang katukin ng noon ay lasing umanong si Catacutan.

Pagbukas ng pinto ay kaagad na tinutukan ng suspek ng jungle knife ang ginang at humingi ng pera, bago tinakot at puwersahang dinala sa kalapit na sementeryo at doon umano hinalay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog