Patay ang dalawang construction worker habang sugatan ang isa pa makaraang pagsasaksakin ng isang grupo ng lalaki, na pawang lasing, nang mauwi sa pagtatalo ang kantiyawan sa isang KTV bar sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Tadtad ng saksak sa katawan ang mga nasawing biktima na kinilalang sina Locre Jay Mabini at Jaymar Octavio, kapwa nasa hustong gulang.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang kanilang kasama na si Teodoro Laguer, nasa hustong gulang, na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), dakong 2:35 ng madaling araw nangyari ang pananaksak sa isang bar, sa panulukan ng Pasong Tamo at Ponte Street, Barangay Sta. Cruz, Makati City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Masayang nag-iinuman ang tatlong biktima sa loob ng bar at malapit sa kanilang mesa ang grupo ng suspek na pawang lasing.

Sinasabing nagkantiyawan sa videoke ang mga biktima at mga suspek hanggang sa nauwi sa pagtatalo at tuluyang bumulagta ang tatlong biktima.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek. (BELLA GAMOTEA)