MALVAR, Batangas – Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Malvar, Batangas.

Dead on arrival sa Daniel Mercado Medical Center si Nestor Medel, 48 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Avelino Atienza, Jr., bandang 12:50 ng umaga nitong Martes nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Group ng Malvar Police, at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 4A sa Barangay Poblacion.

Nang makahalatang pulis ang katransaksiyon ay nakipagbarilan umano si Medel sa mga pulis hanggang sa mapatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober umano ng mga pulis sa lugar ng krimen ang limang sachet ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber pistol at bala, isang motorsiklo at mga basyo ng bala ng .45 caliber at .9mm caliber pistols. (Lyka Manalo)