LUPAO, Nueva Ecija – Patay ang isang 51-anyos na negosyante matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem criminals sa labas ng simbahan sa Purok Luzon, Barangay San Pedro sa Lupao, Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga.

Batay sa ulat ng Lupao Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Rowena de Guzman Magno, ng Bgy. Poblacion, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa imbestigasyon, papasok sa simbahan ang biktima nang biglang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek bandang 8:30 ng umaga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog