ZARAGOZA, Nueva Ecija - Hindi na umabot nang buhay ang isang dalawang taong gulang na lalaki makaraan siyang mabundol ng SUV sa Carmen-Zaragoza Road sa Barangay Gen. Luna sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Batay sa imbestigasyon, dakong 11:40 ng umaga nitong Mayo 12 nang mabundol si Xian Alessandre Buladaco, 2, taga-Capas, Tarlac, ng SUV (TOE-275) na minamaneho ni Gilbert Lising Linsangan, 39, ng Bgy. Pingit, Baler, Aurora.

Nasawi ang bata habang kinasuhan naman ng reckless imprudence resulting in homicide si Linsangan. (Light A. Nolasco0

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog