THESSALONIKI (AFP) – Patay ang apat katao at sugatan ang limang iba pa nang madiskaril ang isang pampasaherong tren na nagmumula sa Athens at bumangga sa isang bahay malapit sa bayan ng Thessaloniki sa hilaga ng Greece, nitong Sabado.

Wala pang ibinibigay na detalye tungkol sa mga biktima ngunit ayon sa Trainose rail company, kabilang sa mga nasugatan ang driver ng tren, matapos makalas ang lahat ng limang bagon at inararo ng engine carriage ang bahay.

Nailigtas na ang karamihan sa 70 pasahero sa aksidente, na hindi pa malinaw ang naging sanhi, ayon sa pulisya.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na