CABANATUAN CITY - Palaisipan pa rin sa mga imbestigador ang ginawang pamamaril ng hindi nakilalang salarin sa isang college professor sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Purok Masikap, Barangay Barrera sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakalap ng Balita mula sa tanggapan ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, nakilala ang biktimang si Reynaldo Alvarez Francisco, 59, biyudo, propesor sa Midway Maritime Foundation, Inc. sa Bgy. Bitas sa lungsod, at residente ng Bgy. Julo, San Antonio.

Nabatid na dakong 7:10 ng umaga nitong Martes, patungong paaralan si Francisco sakay sa jeep sa may Bgy. Sampaloc sa Talavera nang barilin sa ulo ng katabi niya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki