110517_DORIANPENA_DOJ_03_ANTE copy

Sinampahan ng kasong possession and use of dangerous drugs ang dating PBA player na si Dorian Peña.

Una rito, inaresto si Peña ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti Illegal Drugs Group (NBI-AIDG) sa buy-bust operation sa Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Dalawang pakete ng umano’y shabu ang nakuha ng NBI mula kay Peña.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Napaulat na nagpositibo rin sa drug test ang dating PBA player.

Bukod kay Peña, isinalang din sa inquest proceedings ang dalawa pang suspek na sina Leddy Mea Vilchez at Paolo Ampeso. (Beth Camia)