PEÑARANDA, Nueva Ecija - Kapwa patay ang isang mag-asawang negosyante habang sugatan naman ang kasama nilang guro makaraan silang bistayin ng bala ng apat na hindi nakilalang salarin habang kumakain sila sa Peñaranda, Nueva Ecija, nitong Sabado.

Sa ulat ni Senior Insp. Gregorio Bautista sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang mga nasawi na sina Jerry Leabres Abesamis, 48, talunang kandidato sa pagka-bise alkalde noong 2016; at Alicia San Jose Abesamis, 47, may-ari ng isang resort.

Sugatan naman si Lea Navarosa Reyes, 23, dalagang guro, ng Diliman, Quezon City.

Nabatid na dakong 9:30 ng umaga nitong Sabado at kumakain ang tatlong biktima nang hintuan sila ng isang itim na kotse ng mga suspek at pagbabarilin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog