UNTI-UNTING tinapyas ng Cocolife ang kalamangan ng kalabang Goto Pilipinas upang iposte ang klasikong come-from behind victory sa finals ng Brotherhood Basketball League ‘WCA Travel Cup’ kamakailan sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Nagtala ng double digit spread ang congee specialists ni Jhong Castaneda sa higit na tatlong yugto ng winner-take-all na bakbakan sa kanilang patented na run and gun game at halos ay abot-kamay na nila ang tagumpay.

Ngunit, kinuha sa tiyaga at klik na kumbinasyon ni playing coach Rey Alao ng Cocolife juggernauts nina Tolits Natividad sa opensa at Tristan Bradley sa depensa sa kabilang dulo hanggang inagaw ng Underwriters ni team manager Otep Ronquillo ang kalamangan ,77-75, may 3:04 ang nalalabi sa engkwentro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bagama’t binalikan sila ng Goto Pilipinas sa sumunod na play,ang mainit na tikada nina Mark Lagrimas at final’s best player Natividad na sumelyo ng kanilang 82 -77 wagi tungo sa kampeonato ng torneong inorganisa ni BBL chairman Erick Kirong ng Macway Travel at inihandog ng World Cruisers Adventures Travel and Tours sa pamumuno ni CEO Engr. Joven Diaz.

“Breaks of the game,mabuti hindi tumukod ang mga bata at nakuha sa tiyaga .Malakas ang kalaban kaya espesyal ang tagumpay ng aming koponan,” pahayag ni Alao kasabay ng pasalamat sa Cocolife team management partikular kay Ronquillo.

Tiniyak naman ni Ronquillo na patuloy ang Cocolife sa kanilang nasimulang winning tradition sa BBL.