Jodi copy

INIHAYAG ni Jodi Sta. Maria sa presscon ng Dear Other Self ang pinapangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

“It’s something na hindi ko nagawa nang diretso kasi. I graduated high school 2010, and now I’m pursuing another course and hopefully in two and a half years, matapos ko siya,” bungad ng aktres..

Nais kumuha ni Jodi ng pre-medical course, at eventually ay makapasok sa medical school, at ito ang kanyang lifelong dream.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kumuha si Jodi ng Biology sa kabila ng kanyang tight schedule sa seryeng Be Careful With My Heart noong 2014.

Pero kahit na ano pa ang mangyari, determinado siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“I think it’s also because partly I am motivated by my being a mother, I really want to put a premium on education, it’s because I have a son and I want to be able to set a good example,” sabi ni Jodi.

Nagbibinata na ang kanyang unico hijo na si Thirdy Lacson, na 12 years old na ngayon.

Wala pang ibang detalyeng ibinigay si Jodi tungkol sa pagbabalik niya sa academe, pero siguradong magiging dobleng busy siya kapag nag-aral uli siya dahil mapapasabay ang pagsisimula ng panibagong serye niya with Richard Yap and Robin Padilla. (ADOR SALUTA)