Bouchard Sharapova Tennis

MADRID (AP) — Umusad si Maria Sharapova sa second round ng Madrid Open. At mistulang premyo sa kanya ang maagang duwelo kontra Eugenie Bouchard ng Canada.

Ang Canadian star, tulad ni Sharapova ay isa sa may pinakamagandang mukha sa tennis at part-time model, ang pinaka-kritiko sa pagbibigay ng wild card entry kay Sharapova mula nang matapos ang doping ban sa Russian tennis icon.

Nakabawi si Sharapova sa malamyang simula para gapiin si Mirjana Lucic-Baroni ng Croatia, 4-6, 6-4, 6-0, sa opening round.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naglaro sa ikalawang torneo mula nang mabakante bunsod ng 15-buwang suspension, itinanggi ni Sharapova na pinatatag ang kanyang ‘motivation’ para makaharap si Bouchard na tumawag sa kanyang “cheater” at nagsabing nararapat siyang patawan ng ‘lifetime ban’ sa tennis.

“It’s not the way I go about my job,” pahayag ng 30-anyos na si Sharapova. “I’ve been in the public eye since I was a very young girl. I’ve heard a lot of things. If everything affects you on and off the court, I think that would be a really challenging position to be in. It’s not the way I think. My tennis speaks for itself, and that’s what I focus on.”

Ang duwelo kay Bouchard, 2014 Wimbledon finalist, sa Lunes (Martes sa Manila) ang ikaanim na laro ni Sharapova sa WTA Tour matapos masuspinde bunsod ng pagpositibo sa ‘meldonium’ noong 2016 Australian Open.

Nagbalik aksiyon siya sa Porsche Grand Prix sa Stuttgart, Germany kung saan nasibak siya sa semifinal ni 17th-ranked Kristina Mladenovic ng France.

Ayon kay Bouchard, hindi patas para sa mga kapwa player na patas sa paglalaro ang pagbibigay ng wild card entry kay Sharapova para makalaro sa main draw.

Tanging wild card lamang ang paraan ng five-time Grand Slam champion at dating world No.1 para malaro sa Tour dahil awtomatikong nawala ang kanyang ranking dulot ng doping ban.

Sa iba pang laro, ginapi ni top-seeded Angelique Kerber ng Germany si Timea Babos ng Hungary, 6-4, 6-2, habang nakausad si defending champion Simona Halep kontra Kristyna Pliskova ng Czech Republic, 6-1, 6-2.

French at Wimby, wala pa sa radar ni Sharapova

MADRID (AP) — Wala sa prioridad ni Maria Sharapova ang isipin na mabigyan o hindi ng wild card sa Wimbledon.

Matapos makausad sa second round ng Madrid Open nitong Linggo (Lunes sa Manila), isinantabi ni Sharapova ang kapalaran na makalaro sa French Open at Wimbledon.

“I mean, look, I would love to be in a position to compete in that event,” aniya. “It’s very meaningful to me. But it’s just too far down the line right now.”

“I feel like I’m like a broken-record player, but these tournaments are really important,” pahayag ni Sharapova. “The match play that I have, getting myself in these situations, getting out of them, will ultimately help me for those big events whether I’m in there or not.”

Inaasahan ding makalalaro si Sharapova sa Rome sa susunod na buwan matapos ang 15-month banned.

Sa Hunyo 20 malalam kung mabibigyan ng wild card entry si Sharapova para sa Wimbledon, habang sa Mayo 16 ilalabas ng orgabnizer kung makalalaro rin siya sa French Open.

“I feel like it’s still a learning experience, and it’s still just getting back in the groove and understanding what I need to work on and improve,” aniya.