KAPANALIG, ang ating bansa ay isang agricultural country. Kahit pa bumababa ang kontribusyon ng agrikultura sa ating ekonomiya, hindi natin maitatatwa na napakarami pa ring umaasa sa sektor na ito. Hindi lamang manggagawa, kundi tayo mismo. Ang ating food security ay nakasalalay sa agricultural sector.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), binubuo ng agricultural sector ang 32% ng total employment sa bansa.

Katumbas ito ng 12 milyong manggagawa. Marami man ang sakop ng sektor ng mga manggagawa, bumababa naman ang kontribusyon nito sa GDP. Noong 1985, ayon sa World Bank, 24.6% ang kontribusyon nito sa ekonomiya. Noong 2011, naging 12.8% na lamang. Dumarami rin ang mahirap sa sektor na ito. Ang poverty incidence sa hanay ng mga magsasaka ay nasa 38.3%.

Sa harap ng mga hamon na ito, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa mga problema. Kaya nga maraming magsasaka ang naghanap na ng ibang trabaho. Isipin n’yo ang mga problema ng magsasaka, lalo na ‘yung mga maliitan lamang:

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Una ay ang pag-ulan. ‘Pag sobra, malulunod sa baha ang pananim. Kapag kulang, tuyot naman ang pananim. Kailangang maging wais ang mga magsasaka—kailangang matibay ang kanilang pananim sa hamon panahon at akma sa klima.

Problema rin ang mga peste. Kahit pa maingat ang isang magsasaka, kung malawakan ang pesteng dumapo, maaaring maubos ang lahat ng kanyang pananim. Sa uulutin, kailangang wais ang magsasaka. Pest-resistant dapat ang kanyang pananim. Kung gagamit naman ang magsasaka ng pesticide, problema naman ito sa kanyang kalusugan. Cancer minsan ang katapat nito, hindi lamang sa kanya kundi sa iba pa.

Ang mga gastusin ay problema rin ng mga magsasaka. Gastos sa punla, pesticide, lupa at iba pa na kinakailangan upang maitaas ang kanyang kita.

Kaya kinakailangan ng ibayong tulong ng sektor na ito, hindi lamang lupa ang sagot, kundi imprastruktura. Hindi lamang imprastruktura, kundi teknolohiya. At hindi lamang teknolohiya, kundi marketing support. Kaya sana ay mabigyan natin sila ng prayoridad.

Hiramin natin ang mga kataga mula sa “For I Was Hungry and You Gave Me Food”, isang pastoral reflection mula sa US Conference of Bishops, na nagsasabing: “Ang mga naghihirap na magsasaka ay hindi komplikadong isyu. Sila ay ating mga kapatid na may angking dignidad mula sa ating Panginoon. Sila ay si Hesus din. Kailangan nila ng disenteng kita, ng disenteng buhay.”

Nawa’y maantig at magising tayo sa gabay na ito.