LOWER_050517_Police Operation_10_Manila_Jun Aran_as copy

Nadiskubre ng mga pulis ang sinasabing hideout ng isa sa mga suspek sa pagpapasabog sa isang peryahan sa Quiapo, Maynila noong Abril 28.

Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang bahay sa Barangay 648, Zone 67, District 6, kahapon ng madaling araw, ngunit bigong maaresto ang ‘di pinangalanang suspek.

Gayunman, narekober ng awtoridad ang isang bag na naglalaman ng mga umano’y sangkap sa paggawa ng bomba.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Tumanggi ang mga pulis na magbigay ng karagdagang detalye, upang hindi umano maapektuhan operasyon laban sa mga suspek. (Mary Ann Santiago)