DIREK DAN VILLEGAS copy

ISA sa busiest directors natin ngayon ay si Dan Villegas na bukod sa Luck at First Sight, siya ring nasa likod ng umiere na ngayong Ikaw Lang Ang Iibigin (ILAI) na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ngayong pilot week ng ILAI, masayang-masaya sina Direk Dan at Onat Diaz na marami agad ang sumusubaybay sa kanilang programa sa time slot na iniwan ng Be Careful With My Heart at Ningning.

“Overwhelming, eh, kasi first time ko magdirek ng teleserye na ako ‘yung nagsimula. Parang when you check your social media, tuwang-tuwa ang mga tao. Ang sarap sa feeling,” bungad ni Direk Dan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tanggap niya ang ibinigay na time slot ng kanyang teleserye kahit salungat ito sa inasahan ng iba na sa primetime o sa gabi ito mapapanood.

“Okay lang, kasi parang ang mas importante, at the end of the day, ang ikukuwento mo, ‘yung story mo. Andito ako to tell the story, regardless sa time slot I will continue pa din to tell the story,” paliwanag ni Direk Dan.

Aminado siya na bilang director ay nakahiligan na niyang magbasa ng mga review sa kanyang proyekto.

“Binabasa ko. Pero ganu’n po talaga, eh, may mga bad reviews na actually tama. Parang they have a point. Okay din naman na open ka for criticism. Mahirap naman ‘yung masyado tayong sarado,” pahayag ni Direk Dan. (Ador Saluta)