PINASOK at pinagnakawan ng akyat-bahay si JC Intal kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Christopher Intal (mas kilala bilang JC Intal), 33, asawa ni Bianca Gonzales, Philippine Basketball Association player ng koponang Phoenix Fuel Master, nakatira sa No. 5 Freemont St., Ferndale Homes, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Sa reklamo ni Intal sa Quezon City Police District Station 3 Talipapa, naganap ang panloloob sa kanyang bahay dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Mahimbing na natutulog ang pamilya at mga kasambahay nang pasukin ng mga kawatan ang bahay ni Intal matapos tanggalin ang bintana sa master’s bedrooms sa ikalawang palapag.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tinangay ng mga suspek ang digital TV box na nagkakahalaga ng P2,500 at 1 Heritage DVR CCTV na nagkakahalaga ng P10,000.

Sinisiyasat na ng mga tauhan ng Talipapa Police 3 ang naturang insidente at ang sangkot sa panloloob. (JUN FABON)