RIZAL, Nueva Ecija - Isang hinihinalang miyembro ng kilabot na gun-for-hire at robbery hold-up group ang nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ni NEPPO director Senior Supt. Antonio C. Yarra ang naaresto na si Salvador Remegio, alyas “Badong, “Vandamme”, residente ng Barangay Calaocan.

Ayon kay Yarra, armado ang mga pulis ng search warrant para sa illegal possession of firearms at arrest warrant sa attempted murder laban kay Remegio, na nakumpiskahan ng isang .45 caliber pistol na may magazine at siyam na bala.

Sinasabing miyembro si Remegio ng Quinto Group na kumikilos sa Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan at La Union.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)