Parurusahan ang sino mang employer o may-ari ng kompanya na hindi sumusunod sa itinatakdang pasahod at iba pang benepisyo ng mga manggagawa.

Ito ang babala kahapon ng mga mambabatas sa pagdiriwang ng Labor Day.

Tatalakayin sa Miyerkules ng House Committee on Labor and Employment ni Rep. Randolph Ting (3rd District, Cagayan) ang House Bill 5018 na inakda ni Speaker Pantaleon D. Alvarez. Layunin nitong masiguro ang karapatan ng mga empleado sa kanilang suweldo, benepisyo, social security at welfare benefits. - Bert De Guzman

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars