Magkakaloob ng libreng sakay sa mga manggagawa ang pamunuan ng tatlong mass train system sa bansa ngayong Lunes bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng Labor Day.

Batay sa pahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3), libre ang sakay ng mga manggagawa simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at simula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong Mayo 1.

Kailangan lang na magprisinta ng identification card ng mga manggagawa upang makalibre ng sakay sa tren. - Mary Ann Santiago

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog