Sugatan ang tatlong katao sa warning shot ng isang arson investigator matapos siyang tangkaing bugbugin ng ilang residente sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Pawang nagtamo ng sugat sina Ezekiel Alvarado, 30, ng 2606 F. Juan Street; Laurence Andaya, 40, ng 740 Pampanga St.; at Leonardo Manuel, 45, ng 715 Bulacan St., corner Juan Luna St., makaraang magpaputok si SFO2 Gilbert Cruz, 44, ng Manila Fire Bureau.

Base sa ulat, dakong 12:35 ng madaling araw nangyari ang insidente habang nasusunog ang isang apartment sa Juan Luna St.

Ayon kay Cruz, rumesponde siya sa lugar at nag-imbestiga nang sa hindi batid na dahilan ay bigla na lang siyang tinangkang kuyugin ng mga residente.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Upang hindi mabugbog, napilitan umano si Cruz na magpaputok at tinamaan ang mga biktima.

Kinumpiska kay Cruz ang kanyang .45 firestorm contender habang iniimbestigahan ang pangyayari. - Mary Ann Santiago