Tommy at Miho _ copy

BREAK na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida na in-announce ng ABS-CBN. Umabot sa mahigit isang taon ang relasyon ng ToMiho na hindi sinabi ang rason ng break-up.

Kahit naghiwalay, nananatili silang magkaibigan.

Nagkasundo ang dalawa “to spend time apart.” Ibig bang sabihin nito, habang nasa mode sila ng pagiging heartbroken at habang hindi pa nakakapag-move on from their break-up, hindi muna sila mapapanood na magkasama?

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naalala tuloy namin ang obserbasyon ng reporters sa presscon ng first movie ng ToMiho, ang Foolish Love ng Regal Entertainment. Nag-predict ang mga reporter na walang forever sa kanila at magbi-break din sila, at nangyari na nga.

Sa PBB nagkita, nagkakilala, nagkainlaban hanggang naging couple sina Tommy at Miho noong December 2015. In fairness, seryoso ang dalawa sa kanilang relasyon dahil naging close si Tommy sa anak ni Miho at ipinakilala naman ni Tommy si Miho sa family niya sa California last year.

Hindi lang naiwasang maghiwalay sila ng landas, kaya wala nang ToMiho na tiyak na ikalulungkot ng kanilang fans.

(NITZ MIRALLES)