BATANGAS - Dalawang katao, kabilang ang isang apat na taong gulang na lalaki, ang kapwa nalunod sa ilog sa magkahiwalay na lugar sa Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:30 ng umaga nitong Miyerkules nang malunod si Gleicer Loyd Perey, 4, na taga-Barangay Kaylaway, Nasugbu.

Nag-outing umano ang pamilya ng paslit sa Malibu River sa Tuy nang malunod ang bata.

Samantala, dakong 12:15 ng tanghali naman nang malunod sa Calumpang River, sakop ng Sitio Ferry sa Bgy. Kumintang, Batangas City, ang isang babaeng hindi pa nakikilala.

Nakasuot ng puting T-shirt at brown shorts ang biktima, na hindi na umabot nang buhay sa Batangas Medical Center.

Probinsya

Lalaking nasakote ng pulisya sa pagnanakaw ng avocado, tumakas at nang-hostage ng buntis!

(Lyka Manalo)