SAN MATEO, Isabela – Gulat ang isang binata nang arestuhin siya ng mga pulis sa pag-aakalang balewala lang sa kapatid na dalagita ang panghahalay niya rito nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report mula sa Isabela Police Provincial Office, dakong 12:30 ng tanghali nitong Miyerkules nang makorner ng mga operatiba ng San Mateo Police ang 19-anyos na suspek, isang Grade 12 student sa San Mateo Vocational High School, at taga-Barangay Daramuangan Norte sa San Mateo.

Nadakip ang binata sa bahay ng kanyang tiyahin sa Bgy. Villa Fuerte sa San Mateo.

Nauna rito, dumalo ang suspek at ang 15-anyos na kapatid niyang babae sa pista sa Bgy. Villa Fuerte at dahil ginabi na ay nakitulog na lamang sila sa bahay ng kanilang tiyahin.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Natulog sa iisang kuwarto ang magkapatid, ngunit hinalay ng suspek ang dalagita.

Kinabukasan, maagang gumising ang dalagita at isinuplong sa pulisya ang kapatid, na kaagad namang nadakip.

(Liezle Basa Iñigo)