Dinakma ang dalawang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Parañaque City Police, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Juancho Gutierrez y Estanislao, 50, ng Block 5, Lot 10, Hurueta Street, Jestra Villas, Valley 1, at Sherwin Beros, 38, ng Creekside 11, San Antonio Valley 1.

Base sa ulat, dakong 7:30 ng gabi isinagawa ang operasyon laban kina Gutierrez at Beros sa Creek Side II, San Antonio Valley 1, Parañaque City.

Isang pulis ang tumayong poseur buyer ng shabu, nagkakahalaga ng P1,000, sa suspek na si Gutierrez habang kasama nito si Beros.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang iabot ni Gutierrez ang shabu, dali-dali siyang dinamba at si Beros ng mga pulis.

Nakumpiska kay Gutierrez ang tatlong pakete ng umano’y shabu at marked money at nakuhanan naman ng isang kalibre .38 baril at ilang piraso ng bala si Beros.

Sasampahan si Gutierrez ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), habang RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) naman kay Beros. (Bella Gamotea)