Avery Bradley,Jimmy Butler

Wizards at Celtics, abante sa 3-2.

WASHINGTON (AP) — Kumpiyansa at mataas ang morale sa harap ng nagbubunying home crowd, nagtumpok ng pinagsamang 47 puntos sina Bradley Beal at John Wall, para kilyahan ang Wizards sa 103-99 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Game 5 ng kanilang Eastern Conference first round playoff.

Kumubra si Beal ng 27 puntos at kumana si Wall ng 20 puntos at 14 assist para pangunahan ang Wizards sa 3-2 bentahe ng kanilang best-of-seven series.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Target ng Washington na tapusin ang serye sa Game 6 na gaganapin sa Atlanta sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Nanguna sa Atlanta si Dennis Schroder sa natipang 29 puntos, tampok ang limang three-pointer at 11 assist. Ngunit, matapos ang kanyang huling tres na nagpalapit sa iskor sa 101-99 may 70 segundo ang nalalabi sa laro, rumesponde si Wall sa 21-foot pull-up jumper para panatilihin ang bentahe sa Wizards.

CELTICS 108, BULLS 97

Sa Boston, sa ikalawang sunod na laro, matibay ang suporta ni Avery Bradley sa opensa ng Celtics tungo sa krusyal na panalo laban sa Chicago Bulls.

"Everyone knows he's a good defender. Tonight, he got his offensive game going," pahayag ni Chicago guard Dwyane Wade, patungkol kay Bradley na tumipa ng 24 puntos sa Game 5 win ng Boston para sa 3-2 bentahe sa best-of-seven series.

"You expect him to do what he does defensively, but we gave up 24 points to him tonight. He hurt us offensively tonight more than anything."

Pinantayan ni Isaiah Thomas si Bradley sa natipang 24 puntos at nagbabanta ang Celtics na tapusin ang serye sa Game 6 sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Al Horford ng 21 puntos, siyam na assist at pitong rebound.

Kumumbra si Wade ng 26 puntos, 11 rebound at walong assist para sa Bulls.