Sa edad na 69, sa selda ang bagsak ng isang babae nang madakip sa anti-drug operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Paglabag sa R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ni Winniefreda Guevarra, ng No. 58 Concepcion Street, Barangay Tugatog.

Base sa report, bandang 10:00 ng gabi, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET), sa pangunguna ni Police Sr. Inspector Bobby Mario Egera, ang operasyon sa Concepcion St., Bgy. Tugatog, Malabon City.

Kinapkapan si Guevarra ng mga pulis at nakuha ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,200.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Orly L. Barcala)