Habang isinusulat ito ay nag-aagaw buhay ang isang teenager matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay sa bisikleta sa Valenzuela City kahapon.

Kasalukuyang nakaratay sa ospital si Leonard Acosta, 15, ng Barangay Palasan ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa binti at katawan.

Base sa report, bandang 12:35 ng madaling araw ay nagkayayaan si Acosta at kanyang mga kaibigan na kumain ng lugaw.

At sa kanilang paglalakad sa Zone 3, kanto ng M.H. Del Pilar Street, Bgy. Palasan, nasagi si Acosta ng isa sa dalawang suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa galit ng suspek, binaril nito si Acosta at saka nagsitakas patungong Arkong Bato. (Orly L. Barcala)