Jake at Ellie copy

SA muling pagpapalitan ng mga salita nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann sa social media, na mas apektado ang anak nilang si Ellie gayong ito ang walang kaalam-alam sa away ng kanyang ina at ama.

Kaya ang netizens, hindi na nakatiis, kumampi na sa isa sa kanila.

Nabuhay na naman ang alitan nina Jake at Andi dahil sa pagpa-file ng una ng joint custody kay Elli. Naniniwala si Jake na kailangan din niyang makasama ang anak habang lumalaki ito.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Hindi naman kami humihingi ng maraming oras,” sabi ni Jake. “Gusto ko lang naman makausap siya (Andi) para magkaroon kami ng schedule, pero hindi namin siya makausap, ‘tapos kami pa ang babaliktarin niya. Nakasama ko lang ang anak ko once a month, at nakikita ko namang masaya ang anak ko. Nakita naman niya na mahal na mahal ng pamilya ko ang anak namin.”

Maayos at malinaw ang punto ni Jake kaya sila ang mas kinakampihan ng netizens. Sa comments, sinasabi nilang dapat nang tanggapin ni Andi ang gusto ni Jake at bigyan ito ng visitation rights, halata raw namang mahal ng family ni Jake si Ellie.

Alam nilang after na malaman sa DNA test na si Jake nga ang ama ni Ellie, isiniwalat niya ito sa lahat kasabay ang pangako na bibigyan ng bright future si Ellie. Dapat din daw magpasalamat si Andi kay Jake na sa halip na hindi kilalaning anak si Ellie, tinanggap niya ito agad, kasama ang responsibilidad niya sa kanyang anak.

May nag-comment pa nga na dapat daw ay humingi ng advice si Andi sa Center for Family Ministries tungkol sa kaso nila ni Jake para mabigyan siya ng tamang advice para alam niya ang gagawin for the benefit of Ellie.

At sana nga matapos na ang away na ito tungkol sa joint custody nina Jake at Andi tungkol sa love child nilang si Ellie. (Nora Calderon)