Patay ang isa umanong miyembro ng “Akyat Bahay” gang matapos pagtulungang barilin ng dalawang lalaki sa Taguig City, nitong Sabado ng hapon.

Ilang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni James Mark Jacinto y Mariano, nasa hustong gulang, ng No. 137, Lot 47, Raja Sumakwel Street, Purok 2, Barangay Upper Bicutan ng nasabing lungsod.

Patuloy namang tinutugis ang dalawang suspek na kinilalang sina Rusty Jarovilla at alyas “Pepoy V”, kapwa nasa hustong gulang.

Sa pagsisiyasat nina PO3 Randolf Dalugdog at SPO1 Allan Onteling ng Taguig City Police, dakong 3:50 ng hapon nangyari ang pamamaril sa Block 1, Lot 52, Raja Sumakwel St., Purok 2, Bgy. Upper Bicutan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglalakad ang biktima sa lugar nang sumulpot at harangin ng mga suspek at makailang beses pinaputukan sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, bukod sa pagiging Akyat Bahay member, nagtutulak din umano ng droga si Jacinto at kabilang sa drug watch list ng barangay. (Bella Gamotea)