BUTUAN CITY – Isang sundalo ang napatay habang hindi pa matukoy na bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pinaniniwalaang grabeng nasugatan sa bakbakan ng magkabilang panig sa Pongon area, sa San Agustin, Surigao del Sur.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Cpl. Augosto D. Rigor.

Ayon sa report sa operation center ng Police Regional Office (PRO)-13 sa Camp Rafael C. Rodriguez sa Butuan City mula sa Surigao del Sur Police Provincial Office (PPO), patuloy na tinutugis ng 7th Special Forces Company ang mga tumakas na rebelde.

Batay sa report ng Surigao del Sur PPO, nangyari ang bakbakan bandang 5:30 ng hapon nitong Huwebes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Mike U. Crismundo)