TARLAC CITY - Apat na durugista ang pansamantalang nakadetine ngayon sa himpilan ng pulisya matapos malambat sa buy-bust operation sa Sitio Bhuto, Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat kay Supt. Bayani Razalan, hepe ng Tarlac City Police, naaresto sina Onofre Reyes, Jr., 48; Michael Samia, 30; Joseph Adrian Reyes, 18, pawang taga-Sitio Bhuto; at Jobert Espinosa, 28, ng Sitio Bacuit, Bgy. Tibag, Tarlac City.

Nakumpiska kay Onofre ang isang plastic sachet na may 0.051 gramo ng hinihinalang shabu, bukod pa sa 0.056 gramo, 0.108 gramo, at 0.221 gramo mula sa tatlo pang suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog