BEIRUT (Reuters) – Umabot na sa 112 katao ang namatay sa pagsabog ng bomba sa isang convoy ng siksikang bus sa labas ng Aleppo, sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights monitoring group kahapon.

Nangyari ang pasabog nitong Sabado ng gabi sa mga bus na nagdadala ng mga residenteng Shi’ite habang naghihintay silang makatawid sa mula sa teritoryo ng mga rebelde patungo sa lugar na hawak ng gobyerno sa evacuation deal ng magkalabang panig.

Sinabi ng British-based Observatory na inaasahang aakyat pa ang bilang na ito.

Karamihan sa mga nasawi ay mga residente ng pamayanan ng al-Foua at Kefraya sa Idlib province, at ilang rebeldeng mandirigma.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Wala pang umaako sa pag-atake.