Patay na nang matagpuan ang isang mag-asawa at isa pa nilang kasamahan matapos makipagkita sa buyer ng kanilang sasakyan sa Lanao del Sur, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Lanao del Sur Police Provincial Office (LSPPO), natagpuang patay sina Japeth Caballos, Merliza Ceballos, at Rex Villanueva, ng Molundo, Lanao del Sur.

Sinabi ni Senior Supt. Oscar Nantes, director ng LSPPO, na nagtungo sa Iligan City ang tatlong biktima upang makipagkita sa hindi kilalang buyer ng sasakyan ngunit hindi na nakabalik ang mga ito.

Batay sa imbestigasyon, nawawala ang sasakyan na ibinebenta at maging ang pera ng mag-asawa. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog