URDANETA CITY, Pangasinan – Isang hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group ang napatay habang naaresto naman ang kanyang kasamahan sa Manila North Road (MNR) sa Barangay Nancayasan sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ni Supt. Neil Miro, OIC ng Urdaneta City Police, ang napatay sa engkuwentro na si Udang Reyes, habang inaresto naman si Eric Serain, kapwa taga-Urdaneta.

Ang mga suspek ay sinasabing mga miyembro ng kilabot na gun-for-hire na Pong Reyes & Geovannie GFH Group, na nagsagawa umano ng mga pagpatay sa Urdaneta at sa mga kalapit nitong bayan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito