MAXINE copy

SA showbiz din ang bagsak ni Maxine Medina. Ang manager mismo ni Maxine na si Jonas Gaffud ang nagbalita nito via Instagram.

“Bright future ahead for this gorgeous lady. Finally met with her and laid down the plans. Three movies and a teleserye coming soon.”

Hintayin na lang natin kung saang film company gagawa ng pelikula si Maxine at kung saang network siya gagawa ng teleserye.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Susundan niya sa showbiz ang boyfriend niyang si Marx Topacio na napapanood sa Encantadia bilang si Azulan na kapareha ni Pirena (Glaiza de Castro).

Nabanggit ni Marx na nanonood si Maxine ng fantaserye at natutuwa sa tambalan nila ni Glaiza. (NITZ MIRALLES)