Sinisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang nahuling apat na katao na pawang hinihinalang gun runner sa Taguig City kahapon.

Kasalukuyang iniimbestigahan sina Fhahad Fias Gando, misis niyang si Jenalisa Gando, ng Roldan Street, Barangay Lower Bicutan, Taguig City; Edison Anunuevo y Mina at Ronald Valdez y Urbano Valdez, kapwa nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat ni Chief Insp. Arnold Moleta, ng CIDG-Southern, target sa operasyon si Fias at sa bisa ng search warrant ay malayang nagalugad ang kanyang bahay.

Nabatid na bandang 8:00 ng umaga dinakip si Fias at kanyang misis nang makuhanan sila ng isang granada, isang Taurus .45 caliber na kargado ng 13 bala, 49 na bala ng .45 caliber, isang .38 cal. chamber na kargado ng anim na bala, isang magazine ng .45 caliber single stock na kargado ng walong bala at isang magazine ng .45 caliber na may 12 bala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, nadakip naman sina Anunuevo at Valdez matapos makumpiskahan ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang balisong at tatlong bala ng .9mm baril.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (Bella Gamotea)