050417_airport03_vicoy copy

Dali-daling dinakma ng Anti Illegal Drug Task Force group ng Bureau of Customs ang 24-anyos na lalaki na pinadalhan ng marijuana package na galing sa Canada.

Dumating ang nasabing package sa Central Mail Exchange Center (CMEX) nitong Linggo ng gabi na ipinadala ng isang Alex Weite ng 24B, 312 Bristol RD, Canada kay De Andre Travis Johnson Cruz ng Cluster 4, Unit 7E, Pine Crest Residential Resort, Newport Boulevard, Pasay City.

Ipinaamoy umano sa drug sniffing dog ang kahon at nagulat umano ang tauhan sa pag-upo ng aso na siyang tanda na positibo ito sa droga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Binuksan umano ng Customs examiners at task force group ang kahon at sumambulat ang isang sweater na siniksikan ng pinatuyong marijuana na ibinalot sa aluminum foil.

Tinangka pa umanong tumakbo ni Cruz ngunit siya’y nakorner ng tauhan ng Customs at tuluyang pinosasan upang imbestigahan. (ARIEL FERNANDEZ)