LINGAYEN, Pangasinan - Limang pinaniniwalaang drug pusher ang inaresto sa magkakasunod na buy-bust operation sa apat na magkakahiwalay na bayan sa Pangasinan, kahapon.

Sa report kahapon mula sa tanggapan ni Pangasinan Police Provincial Office director Senior Supt. Ronald Lee, nakilala ang mga nadakip na sina Roberto Maramba, Jr., 25, pintor; Rozel Joy Fernandez, 21, nobya ni Maramba, sales representative, kapwa taga-Dagupan City.

Arestado rin sina Francis Wilson Verceles, 29, driver, ng Barangay Dilan-Paurido, Urdaneta City, sa buy-bust sa Bgy. Poblacion sa lungsod.

Nadampot naman sa buy-bust sa bayan ng Mangaldan si Sarah Abad, 37, habang si Mylene Fernandez, 27, ng Dagupan City, ang nadakip ng pulisya sa Bgy. San Miguel, Calasiao, Pangasinan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito